Monday, October 8, 2012

Rest in Peace Direk Marilou Diaz Abaya.

Hindi man kami personal na magkakilala ni Direk Marilou Diaz Abaya, medyo apektado ako sa pagpanaw niya. Matapos ang humigit-kumulang siguro limang taon ng battle niya against breast cancer, finally ay nagpahinga na si Direk.

Bakit ako apektado? Una, dahil she died of cancer. Pangalawa, we have the same doctor. And since the day I found out about it, puro positive stories about her survival and positive outlook in life ang naririnig ko. Nakagawa pa nga siya ng movie last year, at isang libro na compilation ng mga naipon nilang underwater photos. Pero siguro nga, time na talaga for her to join our Creator. At siguro up there, tutulong siyang i-direk ang buhay nating lahat, para mapabuti tayo. Sayang hindi tayo nagkakilala Direk, nagkasabay tayo sa hospital, pero hindi naman nagkita. Rest in peace po.

Photo Courtesy : http://www.mnnetherlands.com/

No comments:

Post a Comment