Tuesday, September 25, 2012

What I had to RESIST today.

No Rice Diet, Season 10-Episode 1.

After mag-salad for lunch, we went na to Las Piñas para sa Kris TV shoot sa bahay nina Senator Manny and Senatorial aspirant Cynthia Villar. Katulad ng iba pang personalities na pinuntahan namin sa bahay, bongga ang inihandang food ng mga Villar para pagsaluhan ng lahat after the shoot. At first, pinilit kong dumedma, but I realized ang "show" nga lang pala ay "No Rice" kaya tumikim ako ng konting chicken and sugpo. Yun lang. 


Our next location : Rue Bourbon-Eastwood, ang bagong branch ng resto-bar ni Jodi Sta. Maria kung saan kasosyo niya rin si Kris Aquino. Syempre, dahil restaurant ito na kilala rin sa super sarap nilang pagkain... alam niyo na, bongga rin ang pakain nila after ng shoot! Hay. For the pilot episode of my diet, grabe namang pagsubok agad. Syempre justification ko ulit, bawal ang drastic naman na hindi pagkain. Kaya tinikman ko ang calamares / shrimps nila, at yung salmon. Ang saraaaaaaaap! Pero believe me, nagawa kong mag-control. As in tumikim lang ako. At ang importante, walang rice! Hahaha! Pero Jodi!!!!! Kelangang magchumika ulit tayo sa Rue Bourbon on my cheat day ha (opo, day 1 pa lang cheat day na iniisip ko hahaha!). Kayo rin friends, visit niyo ang Rue Bourbon. WINNER ang food, PANALONG PANALO pa ang drinks nila! Sigurado akong mag-eenjoy kayo dito with your friends. Meron na silang branch sa Eastwood katapat nung fountain lang, meron din sa Makati sa Salcedo. Meron din sa The Fort. 


Hay bukas kaya anong pagtitiis na naman ang pagdadaanan ko? What makes it harder na dumedma, puro LIBRE ang food!!!! Hahaha! Kelangan kong panindigan ang aking No Rice Diet, inabot na nga ng season 10 kasi yung mga naunang seasons laging nagsi-season ender after a few episodes pa lang hahaha! Sana this time talaga magtagumpay na ko. Ang hirap kaya ng parang kabuwanan na sa laki ang tyan! Ang bigat, at ang hirap mag-damit!

No comments:

Post a Comment