Monday, May 2, 2011

Nice meeting you, Ms. Ana Wangin!


Isa sa mga unang posts ko dito sa personal blog kong ito, ay ang wish ko na sana marating at ma-experience ko ang Anawangin Cove in Zambales. Finally, last holy week kahit biglaan ay nakapunta na ako dito. Stayed there for two days and masasabi kong super worth it naman ang pagba-byahe ng malayo. Nag-bus lang ako with some friends. Nasa Victory Liner terminal in Pasay ako ng Wednesday 10pm. Last trip pa-Iba, Zambales kasi was 11:30pm. Nawala sa isip ko na uwian nga pala nung araw na yun bilang Holy Wednesday. Kaya super siksikan, init at haba ng pila sa terminal. 1:30am na ako nakakuha ng bus tickerts, at pa-Olongapo na bilang 5am na ang next trip papuntang Zambales. 

So nag-Olongapo kami. Mga P218 ang pamasahe each. After ng 3 hours na byahe ata, we reached na the Victory Liner terminal in Olongapo. As expected, super daming tao, as in stampede level ang pagsakay sa mga bus na dumadating na byaheng pa-Zambales. Eh ayokong masaktan kaya pumatol na kami sa isang mama na nag-offer ng van na direcho na sa Pundaquit Resort in Zambales - kung saan sasakay ng boat papuntang Anawangin Cove. P1, 200 ang bayad ko sa van - pero syempre kami lang ang pasahero. Mga isang oras din ata yung byahe, and when we reached the Pundaquit Resort, inendorse na kami ng van driver namin sa kakilala iyang bangkero, si Kuya Alex Aragon. P1, 200 ulit ang bayad namin sa boat - hatid-sundo na. Pagdating ng Anawangin Cove (mga less than 30 minutes na boat ride), P100 each naman ang entrance fee sa resort pag overnight. Walang kuryente doon as you all know na siguro, wala ring signal. Medyo dinevelop na ng konti yung place, so may maliliit na cottages na pwedeng i-rent kung ayaw niyong mag-tent. Pero para saan pa ang pagpunta dun kung hindi magca-camping di ba? 


Nice naman ang beach, medyo may kati factor lang ang water that time. May cliff din sa tabi nito, na talagang inakyat ko twice hehehe. Madali lang siyang akyatin, hindi masyadong nakakahingal. Aba, kung pictorial ang gusto wag nang tamarin! Hehehe! Nanghihinayang lang ako kasi I didn't get to see the falls na meron daw sa likod nung gubat-ish na part ng cove - sa likod ng camping area. Pagdating ng gabi, kanya-kanyang bonfire na at inuman. May CR din po doon - at poso bilang water source.


Babalik ba ako sa Anawangin? Yes. And I will make sure pagbalik ko may kasama na akong boys hehehe! Click niyo lang here kung gusto niyong tingnan photos ko dun - pictorial talaga! Hehehe! Oh hello pala Mark and BJ! See you soon!



































































































































2 comments:

  1. ang ganda nang view at a ng hot ni ms.darla...

    ReplyDelete
  2. kakainggit.. I really really wanted to go to anawangin.. tssss..

    ReplyDelete