Sunday, May 15, 2011

Finally after almost a month, nakauwi rin ako sa Cavite!

After holy week ay hindi ko alam kung bakit naging napaka-hectic ng sked ko (hectic daw o!). Hindi na ako masyadong nakakapag-update ng blogs o tweet man lang. Puro emote sa Facebook na lang hehehe. At higit sa lahat, hindi ako nakakauwi sa family ko sa Cavite. Pero kanina bandang 4:30am, pagkatapos ng trabaho ay lumipad na ako papuntang Cavite - na nakakainis ang dami pa ring ginagawa sa Aguinaldo hi-way ha! Nakaka-traffic. Kahit medyo puyatan ang uwi kong to, happy pa rin dahil nakasama ko ang family ko at nakakain ulit ng luto ng aking ina. Hehehe! 


Okay naman ang gising ko (thanks to you, sa text-panggigising mo hehehe), lalo na nang maramdaman kong palakad-lakad at pasiksik-siksik sa kama ko ang dalawang super cute kutings namin! Hehehe! 



2 comments: