Sunday, March 13, 2011

Yakiniku Sakura


Ewan ko ba ang dami ko pa palang hindi napupuntahang restaurants that serve really good food. Isa na rito itong Japanese Resto sa may 428 UN Ave., Ermita, ang Yakiniku Sakura. Dinala lang ako dito ng isang friend (Louie Andrada) and pinatikim sa akin ang isa sa bestsellers doon, yung US Prime beef yakiniku na super thin naman talaga ang slices. Igi-grill ito over an open fire right on your table, kaya naman pak na pak sa gusto mong pagkakaluto di ba. Pagkaluto dip mo lang ang iyong grilled beef sa kanilang special sauce sabay eat na with your Japanese rice. Wow. Sarap. Buti na lang malayo to sa office kundi nasira ang diet ko! Sa mga curious sa presyo, yung inorder naming US Prime beef yakiniku na good for two persons, plus three cups of rice, softdrinks... almost P2k. (Thanks again Kuya Lui) Hehehe. Pero sulit naman promise. Oh and kung di niyo pa alam, yakiniku  is a Japanese term which means grilled meat. Yung Sakura naman, cherry blossom daw based sa mga nakita kong meaning results dito sa net. Hehehe. 



Sorry di ko na nakunan yung actualy kakaining food na, ginutom agad ako eh. Hihihi.

I want to eat there again. Sino kayang makakasama ko. (Naku eto na naman, di na natuto la-lovelife na naman... hahaha. Baliw.)

No comments:

Post a Comment