Wednesday, February 9, 2011

In the name of love... Images and Words

Ako talaga ang taong super daling ma-adapt ang gusto ng isang taong mahalaga sa akin. Naaalala ko nung college, nasa dorm pa ako sa UP Dil Campus, lahat ng maging crush ko - kung anong salita / dialect nila natututunan ko. Kaya kahit after graduation, ang music ng mga napapalapit sa aking boys nagugustuhan ko na rin - kahit metal pa yan. Pero syempre, my core remains - ballad-senti kind of music. 


Now, someone told me to listen to progressive metal music. So kahit di ako marunong magdownload through torrent, kinarir ko bilang wala akong magawa tonight. And sa mga albums ng prog-metal group na Dream Theater, itong Images and Words ang nagustuhan ko. And tama si someone, maganda yung Another Day. So sa mga susunod na araw, kinda ito ang soundtrack ko. Oh, thanks Marc and Miss Patch sa pagtuturo kung paano mag-download through torrent. 

Okay done downloading, done syncing to my ipod. Lalabas na muna ako at maglalango.

No comments:

Post a Comment