Monday, January 31, 2011

Is this true? If it is, ingat lalo na ang girls!


Sabi nila, sa inuman daw, kapag tinaktakan ng upos ng yosi ang iniinom mong beer, mahihilo o mawawala ka sa sarili mo. Well, I've heard of this many times, I have witnessed some guys do this. Lalo na yung may mga kainumang girls. Di ko alam kung anong nangyayari whenever they leave the bar, kung talagang nawawala sa sarili nila ang girls na nakainom ng beer with the upos ng yosi. Kung totoo man, naku kawawa naman. Siguro isa sa mga scandal videos na nakita na natin sa internet, kung hindi drugs o marijuana, upos ng yosi ang nakatama sa girls. Pero paano namang magiging totoo, kung upos lang eh di parang dumi o alikabok lang yun di ba? Oh well, bakit ako nagpo-post ng gantong ka-cheapan? Kasi naman recently lang nakita kong ginawa ito ng isang guy sa kasama niyang girl, tuwing nagpupunta sa restroom yung girl tinataktakan niya ng upos ng yosi niya yung bottle of beer nung girl. Kaya siguro ingat na lang, kung hindi man totoong nakaka-hilo ito, gugustuhin niyo bang uminom ng maruming alak? 

No comments:

Post a Comment